MENU
Philippine Standard Time:
Rice Distribution Program reached Brgys. Lalakay and Tadlac bringing early Christmas relief to residents (December 9, 2025)
Published date: Dec 15, 2025
Rice Distribution Program reached Brgys. Lalakay and Tadlac bringing early Christmas relief to residents (December 9, 2025)

Puno ng ngiti at taos-pusong pasasalamat ang mga residente ng Barangay Lalakay, Los Baños, Laguna, Philippines at Barangay Tadlac, Los Baños, Laguna, Philippines matapos marating ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang kanilang komunidad noong Disyembre 9 para sa pagpapatuloy ng Rice Distribution Program.

Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, muling umikot ang lokal na pamahalaan upang personal na maihatid ang bigas bilang maagang pamaskong handog para sa mga pamilyang Los Bañense. Higit pa sa tulong na materyal, layunin ng programa na ipadama ang diwa ng malasakit, bayanihan, at pagkakaisa na patuloy na pinatitibay ng pamahalaan ngayong Kapaskuhan.

Habang papalapit ang Kapaskuhan, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ang mga inisyatibang naglalayong maghatid ng ginhawa, saya, at pag-asa sa iba’t ibang barangay. Sa Barangay Lalakay at Barangay Tadlac, malinaw na nadama ang diwa ng pagkakaisa at malasakit, na higit pang nagpapatibay sa adhikaing serbisyong diretso sa tao para sa bawat Los Bañense.

#RiceDistribution
#BarangayLalakay
#BarangayTadlac
#PaskoSaLosBaños
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños 

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 327 Total Views

Related:


;