MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños joined KatHABI, KaHIMIG: Paskong UPLB 2025 celebrating arts, innovation, and Christmas unity (December 9, 2025)
Published date: Dec 15, 2025
Los Baños joined KatHABI, KaHIMIG: Paskong UPLB 2025 celebrating arts, innovation, and Christmas unity (December 9, 2025)

Isang gabi ng liwanag, sining, at tunay na pagkakaisa ang nagbigay-kulay sa University of the Philippines Los Baños sa pagdiriwang ng KatHABI, KaHIMIG: Paskong UPLB 2025 nitong ika-9 ng Disyembre 2025, na naging simbolo ng sama-samang pagdiriwang ng komunidad ngayong Kapaskuhan. Buong pasasalamat na ipinahayag ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ang pagkakataong maging bahagi ng makabuluhang selebrasyong ito. Isang karangalan para sa kanya ang maimbitahan bilang isa sa mga modelo sa textile innovation fashion show na tampok ang kasuotang likha mula sa UPLB-bred Dioscoro 1 Abaca variety, na sumasalamin sa husay, talino, at malikhaing galing ng mga Los Bañense.

Pagkatapos ng fashion show, nakiisa rin si Mayor Nocon sa makabuluhang Christmas countdown para sa sabayang pag-iilaw ng mga dekorasyon sa buong campus. Ang makukulay na ilaw sa University of the Philippines Los Baños ay hindi lamang nagbigay-ganda sa kapaligiran, kundi nagsilbing simbolo ng pag-asa, pag-ibig, at pagkakaisa ng komunidad ngayong Kapaskuhan.

Sa kabuuan, ang gabi ay nag-iwan ng saya, inspirasyon, at di-malilimutang alaala, patunay na kapag pinagsama ang sining, agham, kultura, at komunidad, higit na nagiging makulay at makabuluhan ang diwa ng Pasko para sa bawat Los Bañense.

#KathabiKahimigPaskongUPLB2025

#PaskongUPLB2025

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 

 370 Total Views

Related:


;