Los Baños recognized as Seal of Child Friendly Local Governance (CFLGA) Awardee and LCAT-VAWC Highly Functional Awardee for excellence in child and women protection (December 11, 2025)
Isang malaking karangalan para sa bayan ng Los Baños ang pagkilala bilang Seal of Child Friendly Local Governance (CFLGA) Awardee- 2023 at LCAT-VAWC Highly Functional Awardee- 2025, mga prestihiyosong parangal na nagpapatunay sa patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng kapakanan ng mga bata, kababaihan, at pamilya.
Sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, tinanggap nina Sheila Marie P. Care, RSW, LCAT-VAWC Secretariat, at Hanna Erika Laviña, RSW, MPA, Municipal Social Welfare and Development Officer noong ika-11 ng Disyembre 2025, ang nasabing mga parangal sa isang makabuluhang awarding ceremony na ginanap sa SM City San Pablo. Ang mga pagkilalang ito ay patunay ng dedikasyon ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagpapatupad ng tapat, mahusay, at makataong pamamahala na nagbibigay-prayoridad sa proteksyon at kapakanan ng mamamayan.
Higit pa rito, ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap at walang sawang paglilingkod ng mga opisyal ng bayan, Municipal Social Welfare and Development Office, mga VAWC Desk Officers, katuwang na organisasyon, at ng buong komunidad. Patuloy na pinatutunayan ng Los Baños na ang pangangalaga sa kababaihan, kabataan, at bawat pamilyang Los Bañense ay nananatiling mahalagang pundasyon ng isang ligtas, inklusibo, at maunlad na bayan. Abante Los Baños!
#SealOfLChildFriendlyLocalGovernanceAward
#LCATVAWCHIghlyFunctionalAward
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
