MENU
Philippine Standard Time:
Book Signing Event of Dr. Riza Rasco highlighted inspiration, learning, and global achievement in Los Baños (December 13, 2025)
Published date: Dec 15, 2025
Book Signing Event of Dr. Riza Rasco highlighted inspiration, learning, and global achievement in Los Baños (December 13, 2025)

Buong pusong sinuportahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, noong ika-13 ng Disyembre 2025 ang Book Signing Event ni Dr. Riza Rasco, isang ipinagmamalaking anak ng Los Baños at kauna-unahang Pilipina na nakapaglakbay sa lahat ng 203 bansa sa buong mundo at nakumpletong puntahan ang lahat na 82 na probinsya sa Pilipinas.

Siya ay nakapagtapos ng Bachelor of Science at Masters degrees with specialization on Agriculture-Plant Biotechnology mula UPLB at pagkatapos ay pinagpatuloy ang pagdadalubhasa sa University of Nottingham sa United Kingdom para sa kanyang PhD sa Bioengineering. Nag aral din sya ng Executive Business Management course sa Wharton School, The University of Pennsylvania. Ito ang patunay ng pagiging lifelong learner ni Dr Rasco at tunay na tatak Los Bañense.

Sa pamamagitan ng kanyang aklat na “The World is My Mirror: One Woman’s Global Journey to Reinvention,” ibinahagi ni Dr. Rasco ang mahigit tatlong dekadang paglalakbay na naging daan ng kanyang personal na pagbabago, mula sa pagiging scientist tungo sa pagiging community builder, at kung paano niya muling natuklasan ang sarili sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang kultura at komunidad sa buong mundo.

Isang makabuluhang pagbabalik-LB ito para kay Dr. Rasco sapagkat dito sa Los Baños nagsimula ang kanyang mga pangarap, edukasyon, at pagkatao. Ang kaganapang ito ay hindi lamang selebrasyon ng isang aklat, kundi pagkilala rin sa inspirasyong hatid ng kaalaman, paglalakbay, at patuloy na pagkatuto.

Patuloy na sumusuporta ang Municipal Government of Los Baños sa mga inisyatibang nagtatampok ng husay, kultura, at kwentong nagbibigay-inspirasyon sa mga Los Bañense at sa mas malawak na komunidad.

#BooksSigning

#ProfRizaRasco

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 397 Total Views

Related:


;