MENU
Philippine Standard Time:
Hon. Mayor Neil Andrew Nocon participated in the Gawad Talaghay 2025 ng Los Baños National High School–Poblacion (December 12, 2025)
Published date: Dec 15, 2025
Hon. Mayor Neil Andrew Nocon participated in the Gawad Talaghay 2025 ng Los Baños National High School–Poblacion (December 12, 2025)

Nakiisa at dumalo noong ika 12 ng Disyembre 2025 si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa Gawad Talaghay 2025 ng Los Baños National High School–Poblacion, isang pagkilala na nagbibigay-halaga sa pambihirang passion, dedikasyon at komitment ng mga guro at stakeholders ng paaralan. Sa temang “The Heart of Education: Recognizing the Passion and Commitment of Teachers and Stakeholders,” muling itinaas ang dangal ng mga tagapagtaguyod ng edukasyong tunay na nagsisilbi sa kabataan at komunidad.

Ginanap sa LB District Activity Center/Conference Room, ang selebrasyon ay nagsilbing pagkakataon upang pasalamatan ang mga taong araw-araw na nagbibigay ng oras, puso, at lakas para sa patuloy na paghubog ng kabataang Los Bañense. Sa presensya ni Mayor Nocon, lalong pinagtibay ang suporta at pagpapahalaga ng Pamahalaang Bayan sa sektor ng edukasyon isang malinaw na pahayag na ang pagpapanday sa kinabukasan ay isang misyon na sama-samang pinanghahawakan.

Isang gabi ng inspirasyon, pagkilala, at pagkakaisa, tunay na ipinagdiriwang ang puso ng edukasyon. 

#GawadTalaghay2025

#LBNHSPoblacion

#HeartOfEducation

#SupportForEducation

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 416 Total Views

Related:


;