MENU
Philippine Standard Time:
Sunset at the Park & Disyembre na sa Los Baños (December 12, 2025)
Published date: Dec 15, 2025
Sunset at the Park & Disyembre na sa Los Baños (December 12, 2025)

Nakiisa si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa makabuluhang pagtitipong “In Tune with Nature: Uniting for a Sustainable Tomorrow,” na ginanap noong Disyembre 12, 2025 sa General Paciano Rizal Park. Sa kanyang presensya at patuloy na suporta, muling pinagtibay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang adbokasiya para sa pangangalaga sa kalikasan, pagsusulong ng kultura, at pagpapatibay ng pagkakaisa ng mga Los Bañense.

Isang gabing puno ng sigla at musika ang itinanghal ng mga lokal na alagad ng sining kabilang ang Mudd Spring, Bathala, Nestor Leviste, Sumangil Brothers, Jamoans, Jahred Polintan, at Musicians Corner ’92. Sa pagsasanib ng musika at tanawin ng dapithapon, naging makabuluhang paalala ang programa na ang sining at kalikasan ay mahalagang bahagi ng isang nagkakaisa at sustenableng bayan.

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang mga programang nagtataguyod ng kamalayan sa kalikasan at pagbibigay-suporta sa lokal na sining tungo sa isang mas maunlad, makakalikasan, at umaabanteng bayan.

#SunsetAtThePark

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 326 Total Views

Related:


;