MENU
Philippine Standard Time:
MGLB Family Day 2025 celebrated unity, joy, and sppreciation for Municipal employees and their families (December 13, 2025)
Published date: Dec 15, 2025
MGLB Family Day 2025 celebrated unity, joy, and sppreciation for Municipal employees and their families (December 13, 2025)

Matagumpay na ipinagdiwang ang MGLB Family Day 2025 noong Disyembre 13, 2025 (Sabado) sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapaskuhan at pagpapahalaga sa pamilya ng mga kawani ng munisipyo. Aktibong nakiisa ang bawat pamilya ng mga lingkod-bayan sa naturang selebrasyon, kung saan kitang-kita ang tuwa ng mga bata at magulang sa iba’t ibang inihandang aktibidad. Lalong naging makulay ang araw sa hatid na aliw ng magic show at sa espesyal na pagbisita ni Jollibee, na nagbigay ng dagdag-ngiti at masasayang alaala para sa lahat ng dumalo.

Ang pagdiriwang ay nagsilbing natatanging paraan ng Pamahalaang Bayan upang ipagdiwang ang Kapaskuhan at kilalanin ang mahalagang papel ng pamilya bilang katuwang ng bawat lingkod-bayan. Isa rin itong araw ng pagbubuklod, na nagpatibay ng samahan at pagkakaisa sa loob ng organisasyon. Matapos ang programa, nagpatuloy ang kasiyahan sa paglilibot sa General Paciano Rizal Park, kung saan nasiyahan ang mga pamilya sa pagsakay sa mga rides at pagtikim ng iba’t ibang pagkaing inihain ng mga nagtitinda sa lugar.

Dinaluhan ang okasyon nina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Vice Mayor Marlo PJ Alipon, ang buong Sangguniang Bayan ng Los Baños, at mga department at unit heads ng iba’t ibang tanggapan, bilang patunay ng kanilang matibay na suporta at pagpapahalaga sa kapakanan ng mga kawani at kanilang mga pamilya.Sa kabuuan, ang MGLB Family Day 2025 ay nagsilbing paalala na ang masaya at nagkakaisang pamilya ay mahalagang sandigan ng masigla, matatag, at tapat na paglilingkod sa bayan.

#FamilyDay2025

#MaligayangPaskoLB

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 

 3337 Total Views

Related:


;