Sunset at the Park & Disyembre na sa Los Baños (December 13, 2025)
Muling naging matagumpay ang Sunset at the Park na ginanap nitong Disyembre 13, 2025 sa General Paciano Rizal Park.
Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, naging isang makabuluhang pagtitipon ang nasabing aktibidad na nagbigay-diin sa sining, kultura, at pagkakaisa ng komunidad.
Naghatid ng de-kalidad na pagtatanghal ang mga tampok na performers na sina LJ Formarejo na nagpamalas ng LED lights dance, Jeffer Villa, at ang LB Eskultura, na nagbigay-buhay at kulay sa parke sa gitna ng dapithapon.
Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagsuporta sa mga programang nagtatampok ng lokal na talento at nagpapalakas ng ugnayan ng komunidad—isang patunay ng masigla at buhay na kultura sa ating bayan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
