MENU
Philippine Standard Time:
KAGAWARAN NG AGRIKULTURA NAMAHAGI NG ABONO PARA SA SAMAHAN NG MGA MAGPAPALAY NG BAYOG AT MAAHAS
Published date: Jun 10, 2021
KAGAWARAN NG AGRIKULTURA NAMAHAGI NG ABONO PARA SA SAMAHAN NG MGA MAGPAPALAY NG BAYOG AT MAAHAS

Ipinamahagi ngayong araw at noong Martes ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Punumbayan Antonio L. Kalaw sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ang 75 bag ng iba’t ibang uri ng pataba para sa Samahan ng mga Magpapalay ng Bayog at Maahas.

Ang mga abono ay libreng ipinamahagi ng Pamahalaang Bayan sa mga samahan at ang mga ito naman ang ibebenta ng samahan sa mga miyembro sa mas murang halaga upang magsilbing panimulang puhunan sa proyektong nais nilang isakatuparan.

Ang pamamahagi ng naturang abono ay kaugnay ng programa ng Pamahalaang Bayan na pagpapalakas sa sektor ng agrikultura sa bayan ng Los Baños sa papamagitan ng pagtugon sa pangangailangan ng ating mga magsasaka lalo na sa larangan ng pagpapalayan upang magkaroon ng mataas na produksyon ng bigas at malaking kita ang bawat magsasaka.

Layunin din ng Pamahalaang Bayan na mapatatag ang mga samahan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang pinansiyal na kapasidad.

 561 Total Views

Related: