Rice Distribution Program at Brgy. Anos and Brgy. Bayog (December 14, 2025)
Noong Disyembre 14, 2025, mainit na tinanggap ng mga residente ng Brgy. Anos at Brgy. Bayog ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagpapatuloy ng Rice Distribution Program. Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, personal na inihatid ang bigas bilang tulong at maagang pamasko para sa bawat pamilyang Los Bañenses.
Sa bawat bigkis ng bigas na naipamahagi, kapalit ang mga ngiti at pasasalamat ng mga benepisyaryo, isang paalala na ang malasakit ng pamahalaan ay ramdam hanggang sa komunidad. Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang serbisyong may puso, diretso sa tao lalo na sa panahong mas mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa. Sa Anos at Bayog, buhay na buhay ngayong araw ang diwa ng pag-asa at bayanihan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
