Sunset at the Park: Disyembre na sa Los Baños showcased music, arts, and community unity (December 14, 2025)
Muling naging matagumpay ang Sunset at the Park: Disyembre na sa Los Baños na ginanap noong Disyembre 14, 2025 sa General Paciano Rizal Park. Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, naging isang masigla at makabuluhang pagtitipon ang aktibidad na nagbigay-diin sa sining, musika, at pagkakaisa ng komunidad sa gitna ng malamig na simoy ng Disyembre.
Pinainit ang dapithapon ng mga kahanga-hangang pagtatanghal mula sa mga lokal na talento na sina Nacho, Mr. Gelo, The Blessed, at LSPU-Eskultura, na nagbigay-buhay, kulay, at inspirasyon sa parke. Ang kanilang mga pagtatanghal ay naghatid ng saya at nagpalalim ng diwa ng kapaskuhan sa mga dumalo.
Patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang mga programang nagbibigay-espasyo at entablado sa lokal na talento, bilang patunay na nananatiling buhay at masigla ang kultura, sining, at pagkakaisa sa bayan ng Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
