MENU
Philippine Standard Time:
Rice Distribution Program in Barangays Maahas and Timugan highlighted Los Baños’ commitment to community welfare (December 12, 2025)
Published date: Dec 15, 2025
Rice Distribution Program in Barangays Maahas and Timugan highlighted Los Baños’ commitment to community welfare (December 12, 2025)

 

Mainit na pagsalubong ang ibinigay ng mga residente sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagbisita nito noong Disyembre 12, 2025 (Biyernes) sa Barangay Maahas, Los Baños, Laguna, Philippines at Barangay Timugan, Los Baños, Laguna, Philippines para sa pagpapatuloy ng Rice Distribution Program.Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, personal na naihatid ang mga sako ng bigas na nagsilbing maagang pamasko para sa mga pamilyang benepisyaryo sa dalawang barangay.

Dama ng bawat pamilyang nakatanggap ang tuwa at kaginhawaan, patunay na ang simpleng ayuda ay may malaking ambag sa pagdiriwang ng Kapaskuhan. Habang papalapit ang Pasko, patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang layuning maramdaman ng bawat Los Bañense ang malasakit, presensya, at tunay na serbisyong may puso. Sa Maahas at Timugan, higit na tumimo ang diwa ng pagkakaisa, pag-asa, at sama-samang pagdiriwang ng kapaskuhan sa ilalim ng isang nagkakaisang pamayanan.

#RiceDistribution

#BarangayMaahas

#BarangayTimugan

#PaskoSaLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 480 Total Views

Related:


;