Weekly Flag Raising Ceremony (3rd Monday of December 2025)
Pinangunahan ng Barangay Tuntungin-Putho ang lingguhang pagtataas ng watawat nitong Disyembre 15, 2025 sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon. Ibinahagi ni Barangay Captain Francisco “Asis” Torres Jr. ang mga tagumpay at mga kasalukuyang proyekto ng kanilang barangay na patuloy na nagsusulong ng kaunlaran at kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.
Ipinahayag naman ni Municipal Health Officer Dr. Alvin Isidoro ang isasagawang drug testing para sa lahat ng regular employees ng MGLB sa iba't ibang opisina, bilang bahagi ng adbokasiya ng lokal na pamahalaan para sa isang ligtas, malusog, at disiplinadong serbisyo-publiko.
Samantala, pinangunahan ni AMELBA-UNA Inc. Union President Engr. Rosemarie L. Vibar, katuwang ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan, ang Awarding Ceremony para sa 2025 Christmas Office Decoration Contest na nagpakita ng malikhaing diwa, pagtutulungan, at sigla ng bawat tanggapan sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Pagbati sa mga nagwagi:
1st Place: Office of the Vice Mayor – Sangguniang Bayan
2nd Place: Municipal Tourism Office
3rd Place: Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office
Nawa’y patuloy tayong pag-isahin ng diwa ng Pasko sa malasakit, pagkakaisa, at tapat na paglilingkod sa bawat isa.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
