MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños took part in Laguna Provincial Christmas Lighting Ceremony marking start of holiday season with strong local unity (December 6, 2025)
Published date: Dec 6, 2025
Los Baños took part in Laguna Provincial Christmas Lighting Ceremony marking start of holiday season with strong local unity  (December 6, 2025)

Nakiisa ang ating butihing Mayor Neil Andrew Nocon sa masiglang Christmas Lighting Ceremony sa Kapitolyo ng Laguna noong  December 6, 2025 na pinangunahan ni Governor Sol Aragones. Sa pagdiriwang na ito, sama-samang nasilayan ng mga bisita at opisyal ang makukulay na ilaw na sumisimbolo sa pag-asa at pagkakaisa ng Kapaskuhan. Ipinakita ni Mayor Nocon ang buong suporta sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan, na layong maghatid ng inspirasyon at saya sa bawat mamamayan.

Sa gabing hitik sa saya, liwanag, at musika, muling pinagtibay ng mga lider ng lalawigan ang kanilang hangaring pag-ibayuhin ang serbisyo publiko at ang pagtutulungan para sa kapakanan ng mamamayan. Ang pagdiriwang sa Kapitolyo ay nagsilbing makislap na hudyat ng pagsisimula ng Kapaskuhan, isang paalala na sa pagkakaisa, mas nagiging makabuluhan at maliwanag ang paggunita ng tradisyong nagbubuklod sa atin. 

#ChristmasLightingSaKapitolyo

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 664 Total Views

Related:


;