MENU
Philippine Standard Time:
Himig Pasko 2025 Choir Competition at Los Baños
Published date: Dec 6, 2025
Himig Pasko 2025 Choir Competition at Los Baños

Ginanap ang Himig Pasko 2025 Choir Competition nitong Disyembre 5, 2025 (Biyernes) sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center bilang isa sa mga tampok na pagdiriwang ng Disyembre na sa Los Baños. Ito ay pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Planning and Development Office (MPDO), katuwang ang Municipal Tourism Office (MTO), iba pang mga tanggapan ng Pamahalaan, at ng DepEd Los Baños.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Nocon ang kahalagahan ng pagkakaisa at pag-asa na hatid ng musika lalo na sa panahon ng Kapaskuhan. Pinuri rin niya ang dedikasyon ng mga paaralan at mga kabataan na patuloy na nagbibigay-buhay sa kultura ng bayan. Nagpaabot din ng pagbati at paghikayat si Hon. Jay Rolusta na nagpahayag ng suporta sa mga programang nagtataguyod ng sining at talento ng kabataang Los Bañense.

Dumalo at nagbigay ng suporta sina Queenshala Leren Mae Bautista, Miss Universe Philippines Laguna Scarlett de Mesa, Schools District Supervisor Dr. Soledad S. Villanueva ng DepEd Los Baños, DepEd School Heads, MGLB department and unit heads, mga kawani ng Pamahalaan, mga mag-aaral, guro, at mga residente ng Los Baños.

Mainit na pagbati sa mga nagwagi sa Himig Pasko 2025 Choir Competition:

✔️ SECONDARY CATEGORY

🥇1st Place: Los Baños Senior High School

🥈2nd Place: Bayog Senior High School

🥉3rd Place: BN Calara Integrated National High School

✔️ ELEMENTARY CATEGORY

🥇1st Place: Mayondon Elementary School

🥈2nd Place: Maahas Elementary School

🥉3rd Place: Christian School International

Taus-pusong pasasalamat rin sa lahat ng lumahok na private at public schools (kabuuang 10 elementary at 4 secondary schools) na nagbahagi ng kanilang mga talento sa masayang pagdiriwang:

• Maahas Elementary School

• Malinta Elementary School

• Christian School International

• Bambang Elementary School

• San Antonio Elementary School

• Tadlac Elementary School

• St. Anthony School of Los Baños, Inc.

• Lalakay Elementary School

• Mayondon Elementary School

• Los Baños Central Elementary School

• Lalakay Senior High School

• BN Calara Integrated National High School

• Bayog Senior High School

• Los Baños Senior High School

Ang kaganapang ito ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng Pamahalaan, mga paaralan, at buong pamayanan upang isulong ang sining at kultura sa bayan ng Los Baños. Higit sa paligsahan, ang Himig Pasko ay naging simbolo ng sama-samang pagdiriwang kung saan bawat tinig ay nagiging bahagi ng isang mas malaking himig ng bayanihan ngayong darating na Kapaskuhan. 🌲🌟

#HimigPasko2025

#LosBañosChoirCompetition

#DisyembreNaSaLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 280 Total Views

Related:


;