MENU
Philippine Standard Time:
Laguna Prime Multipurpose Cooperative Grand Opening in Los Baños promoted livelihood, unity, and economic development (December 5, 2025)
Published date: Dec 5, 2025
Laguna Prime Multipurpose Cooperative Grand Opening in Los Baños promoted livelihood, unity, and economic development (December 5, 2025)

Nakiisa si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa matagumpay na Grand Opening ng Laguna Prime Multipurpose Cooperative nitong Disyembre 5, 2025 (Biyernes) sa Brgy. Maahas. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Nocon ang kahalagahan ng kooperatiba bilang instrumento sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagkakaisa.

Kasabay ng programa, isinagawa ang unveiling ng marker at pagbasbas ng bagong gusali bilang opisyal na simula ng operasyon ng kooperatiba. Tampok rin ang iba't ibang aktibidad tulad ng bazaar exhibit, kung saan ipinakita ang mga produkto ng miyembro, wellness seminar para sa kagalingang pangkalusugan, ownership seminar upang palakasin ang kaalaman sa responsableng pamumuhunan at pamamahala, at masiglang Zumba sessions.

Ang pagdiriwang ay naging pagkakataon para sa mga miyembro na magsama-sama at palakasin ang diwa ng bayanihan, habang itinataguyod ang kooperatiba bilang isa sa mga haligi ng kabuhayan at kaunlaran sa bayan ng Los Baños.

#LagunaPRIMEMultipurposeCooperative

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 714 Total Views

Related:


;