MENU
Philippine Standard Time:
2025 SMART/MVP Sports Foundation CALABARZON Inter-School Taekwondo Competition Silver Medalist from Los Baños
Published date: Dec 5, 2025
2025 SMART/MVP Sports Foundation CALABARZON Inter-School Taekwondo Competition Silver Medalist from Los Baños

Ipinagmamalaki ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, ang tagumpay ni Abby Monique Engay bilang Silver Medalist sa 2025 SMART/MVP Sports Foundation CALABARZON Inter-School Taekwondo Competition na ginanap sa Sta. Cruz Sports Complex, Laguna noong Nobyembre 30, 2025. 🥋

Nagcourtesy visit si Abby kay Mayor Nocon upang ibahagi ang kanyang naging karanasan sa kompetisyon at ang patuloy niyang pagsisikap bilang isang student-athlete. Pinuri siya ng Punong Bayan sa kaniyang dedikasyon, tapang, at pagkamit ng parangal na nagbigay ng karangalan sa kanyang paaralan at sa buong bayan ng Los Baños.

Patunay ang tagumpay ni Abby na ang pagsusumikap at determinasyon ng kabataang Los Bañense ay namumukod-tangi. Tinitiyak ng lokal na pamahalaan ang walang-patid na suporta para sa mga kabataang atletang nag-aangat sa dangal at inspirasyon ng ating bayan. Mabuhay ang mga atletang Los Bañense! 🎉

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 425 Total Views

Related:


;