Heritage Walk Project in Los Baños advanced through site inspection and planning for improved public spaces (December 5, 2025)
Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang isinagawang paglibot at inspeksyon para sa susunod na yugto ng Heritage Walk Project, kasama sina Engr. Ricky Estopace, Municipal Engineer, Mr. Archie Gonzalvo ng General Services Office (GSO), at Kapitan Rading Lanuzo, Punong Barangay ng Barangay Baybayin, Los Baños. Dito ay tinalakay at sinuri ang mga kinakailangang idagdag, ayusin, at pagandahin sa lugar upang matiyak na ang Heritage Walk ay magiging mas ligtas, mas organisado, at mas kaaya-ayang pasyalan para sa mga residente at bisita.
Patuloy na ipinakita ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang malasakit, maingat na pagpaplano, at konkretong pagkilos tungo sa pagpapaunlad ng mga proyekto na nagtataguyod ng kultura at kasaysayan, bilang bahagi ng layunin na makabuo ng isang mas maunlad at makasaysayang bayan ng Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
