Educational Assistance Program Payout of existing and new grantees for JHS, SHS and College students at Los Baños
Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Mayor Neil Andrew N. Nocon, ang pamamahagi ng Educational Assistance Program para sa mga kasalukuyan at bagong benepisyaryo mula sa Junior High School, Senior High School, at Kolehiyo. Sa pangunguna ng Local Youth and Development Office (LYDO) sa pamumuno ni OIC-LYDO Ms. Revilyn Perez, maayos na naiproseso at naihatid ang tulong pinansyal na makatutulong sa patuloy na pag-aaral ng ating mga kabataang Los Bañense. Nagbigay rin ng mensahe si Municipal Administrator Atty. Virgilio Tiongson, Jr., na nagpaabot ng suporta at paghikayat sa mga benepisyaryo upang ipagpatuloy ang pagsusumikap para sa kanilang kinabukasan.
Lubos ding ipinapaabot ang pasasalamat sa mga naging katuwang ng LYDO sa implementasyon ng programang ito, kabilang ang Municipal Treasurer’s Office, Records Office, Office of the Municipal Agriculturist at General Services Office, na nagbigay ng kanilang oras at serbisyo upang masiguro ang maayos, organisado, at episyenteng daloy ng buong proseso. Ang kanilang dedikasyon ay nag-ambag sa tagumpay ng programang naglalayong iangat ang mga pangarap at oportunidad para sa kabataang Los Bañense.
Patuloy na magseserbisyo ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños para sa kapakanan ng kabataan at komunidad—sapagkat sa Bayan ng Los Baños, ang pag-angat ay sabay-sabay at para sa lahat.
Related:
-
Most Viewed Article
