MENU
Philippine Standard Time:
Association of Municipal Employees of Los Baños, Laguna (AMELBA-UNA) Inc. General Assembly 2025 highlighted commitment to employee welfare and public service excellence in Los Baños (December 5, 2025)
Published date: Dec 5, 2025
Association of Municipal Employees of Los Baños, Laguna (AMELBA-UNA) Inc. General Assembly 2025 highlighted commitment to employee welfare and public service excellence in Los Baños (December 5, 2025)

Ginanap ang General Assembly ng Association of Municipal Employees of Los Baños, Laguna (AMELBA-UNA) Inc. nitong Disyembre 5, 2025 (Biyernes) sa Municipal Activity Area, na dinaluhan ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan. Nagbigay ng mensahe si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kung saan kanyang binigyang-diin ang patuloy na suporta ng lokal na Pamahalaan sa kapakanan, benepisyo, at propesyonal na pag-unlad ng mga kawani na nagsisilbing haligi ng serbisyo publiko sa bayan ng Los Baños.

Inilahad naman ni Union President Engr. Rosemarie L. Vibar ang 2025 Accomplishments ng AMELBA na nagpakita ng mga programang naisakatuparan para sa kapakinabangan ng lahat ng miyembro. Sinundan ito ng isang open forum, na nagbigay oportunidad para mailahad ng mga empleyado ang kanilang mga suhestiyon at pangangailangan upang higit pang mapaigting ang mga serbisyo at programa para sa kanila.

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng Collective Negotiation Agreement (CNA), ipinamahagi ang rice allowance at mga pamaskong handog mula sa AMELBA-UNA at sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamamagitan ng Human Resource Management Office (HRMO) bilang pasasalamat sa pagsisikap ng mga kawani at pagkilala sa kanilang patuloy na paglilingkod, pag-abot sa performance targets, at pagpapabuti ng daloy ng operasyon ng mga tanggapan.

Ang General Assembly ay naging makabuluhang pagtitipon na nagpatibay sa diwa ng pagkakaisa, pagkalinga, at kolektibong pag-unlad, isang malinaw na patunay ng matatag na ugnayan ng mga kawani at ng lokal na pamahalaan tungo sa mas mahusay at mas masiglang bayan ng Los Baños.

#AMELBAUNAInc

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 732 Total Views

Related:


;