Mayor Nocon led inspection of Movable Footbridge Project for flood-prone areas in Brgys. Malinta and Mayondon (December 3, 2025)
Bumisita si Mayor Neil Andrew Nocon noong ika-3 ng Disyembre 2025 sa bahagi ng Brgy. Malinta at Mayondon upang personal na tingnan ang isinasagawang proyekto na magsisilbing paunang solusyon sa mataas na tubig na dulot ng Laguna de Bay. Tampok sa proyekto ang pagtatayo ng isang adaptable at movable walkway (footbridge), isang pansamantalang estruktura na maaaring iayos at ilipat ayon sa taas ng tubig. Mahalaga itong hakbang upang matiyak ang ligtas at tuloy-tuloy na pagdaan ng mga residente at mag-aaral, lalo na’t matagal nang nakararanas ng pagtaas ng tubig ang lugar.
Sa tuloy-tuloy na pagkakaisa at mabilis na aksyon ng Pamahalaang Bayan, ang mga serbisyong hatid ay nakatuon para sa kaginhawaan at kaligtasan ng buong bayan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
