MENU
Philippine Standard Time:
MGLB joined the RIC-LB Child Development Workers Seminar at CTL DHFDS CHE UPLB
Published date: Dec 4, 2025
MGLB joined the RIC-LB Child Development Workers Seminar at CTL DHFDS CHE UPLB

Nagbigay ng makabuluhan at inspirasyonal na mensahe si Hon. Neil Andrew N. Nocon sa ginanap na Rural Improvement Club of Los Baños (RIC-LB) Child Development Workers Seminar na may temang “Understanding Children with Special Needs in the Day Care Environment” nitong Disyembre 3, 2025 (Miyerkules) sa Clothing and Textile Laboratory ng Department of Human and Family Development Studies (DHFDS), College of Human Ecology (CHE), University of the Philippines Los Baños (UPLB) na dinaluhan rin ni Municipal Agriculturist Cheryll L. Gonzales. Binigyang-diin ni Mayor Nocon ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang bayang may malasakit, may tamang kaalaman, at may bukas na puso para sa mga batang may iba’t ibang pangangailangan.

Ang programang ito, na inorganisa ng UPLB Day Care Resource Center (DCRC) sa ilalim ng DHFDS-CHE, ay nakatuon sa pagpapalalim ng kaalaman sa pag-unawa at pagtugon sa pangangailangan ng mga batang may special needs. Pinalakas nito ang kakayahan ng mga RIC Child Development Workers upang mas maging epektibo sa pagbibigay ng suporta, pag-aalaga, at inklusibong serbisyo sa mga batang kanilang pinaglilingkuran sa kani-kanilang komunidad. Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay at pakikipag-ugnayan, inaasahang lalo pang mapauunlad ang kalidad ng serbisyo para sa mga batang nangangailangan, tungo sa mas makatao, makatarungan, at mas inklusibong lipunan.

#RICLBChildDevelopmentWorkersSeminar

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 259 Total Views

Related:


;