MENU
Philippine Standard Time:
Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) Federation Los Baños General Meeting
Published date: Dec 4, 2025
Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) Federation Los Baños General Meeting

Nagkaroon ng mahalagang pagpupulong ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) Federation Los Baños nitong Disyembre 3, 2025 (Miyerkules) sa Municipal Conference Hall. Pinangunahan ito ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon kung saan ginanap ang pag-uusap para sa higit na kapakanan at benepisyo ng mga nakatatanda sa bayan ng Los Baños.

Tinalakay dito ang status ng buwanang allowance ng Federation, kabilang ang mga kasalukuyang update at mga hakbang upang matiyak na maayos itong naipagkakaloob. Binigyan din ng pansin ang status ng Municipal Social Pension (MSP) para sa 3rd at 4th Quarter, maging ang posibleng pagbibigay ng karagdagang longevity assistance bilang pagkilala sa patuloy na kontribusyon ng mga senior citizens sa ating bayan.

Sa pamamagitan ni MSWDO Hannah Erika E. Laviña ay pinag-usapan rin ang DSWD Social Pension, kabilang ang proseso ng validation para sa mga bagong waitlisted beneficiaries, upang matiyak na ang mga nararapat na tumanggap ay agarang maisama sa listahan. Ibinahagi din sa pagpupulong ang isang Audio-Visual Presentation (AVP) ng Lakbay Los Baños Heritage Walk na naglalayong ipakita ang kahalagahan ng kulturang pangkasaysayan ng bayan at ang patuloy na pagsusulong ng lokal na pamahalaan sa pagpreserba nito.

Sa patnubay ni Mayor Nocon, muling iginiit ng Pamahalaang Los Baños ang kahalagahan ng pagpapatatag ng mga programang nakatuon sa kagalingan ng mga nakatatanda, bilang bahagi ng pangmatagalang layuning para sa isang bayan na pantay-pantay, may malasakit, at mapagkalinga.

#OSCAFederationLBMeeting

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 553 Total Views

Related:


;