MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Olympics 2025 launched two-week Inter-Barangay Sports Competition for youth development (November 30, 2025)
Published date: Dec 2, 2025
Los Baños Olympics 2025 launched two-week Inter-Barangay Sports Competition for youth development (November 30, 2025)

Pinasinayaan nitong Nobyembre 30, 2025 (Linggo) ang Los Baños Olympics 2025 na ginanap sa CPP Memorial Stadium and Evacuation Center, sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamamalakad ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, katuwang ang Local Youth Development Office at ang Sangguniang Kabataan Federation ng Los Baños.

Dumalo sa pagdiriwang sina Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, Konsehal Jay Rolusta, at SK Federation President Samantha Banasihan-Ortega. Buong sigla ring nakiisa ang mga kabataan at manlalaro mula sa 14 na barangay ng ating bayan.

Sa loob ng dalawang linggo, magtatagisan ng galing ang ating mga atleta sa inter-barangay basketball, volleyball, at badminton. Ang LB Olympics ay higit pang nagtaguyod ang sportsmanship, youth empowerment, at pagkakaisa sa bawat sulok ng Los Baños.

Tampok sa pagbubukas ang makukulay na parada ng mga delegado, pagpapakilala ng bawat koponan, at ang di matatawarang sigasig at talento ng kabataang Los Bañense. Tunay na naging inspirasyon ang seremonya, na nagbigay-daan upang mas mapalakas ang ugnayan ng mga barangay at mahikayat ang mas aktibong partisipasyon ng kabataan sa larangan ng palakasan.

Sama-sama nating isulong ang pagkakaisa at kahusayan sa sports! Mabuhay ang kabataang Los Bañense! 

#LosBañosOlympics

#InterBarangayOlympics

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 723 Total Views

Related:


;