Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon as guest speaker at the CHE @51 Awarding Ceremony
Isang kagalakan para sa ating butihing Mayor Neil Andrew N. Nocon na muling makabalik sa kanyang Alma Mater at minamahal na kolehiyo, ang University of the Philippines Los Baños (UPLB) College of Human Ecology (CHE), bilang panauhing pandangal sa CHE @51 Awarding Ceremony na ginanap nitong Nobyembre 28, 2025 (Biyernes) sa DL Umali Hall, UPLB, na may temang “Katumbalikwasan: Integration to Impact.”
Ang nasabing pagdiriwang ay bahagi ng ika-51 Anibersaryo ng pagkakatatag ng College of Human Ecology, na naglalayong kilalanin ang mga natatanging personalidad at institusyong patuloy na nag-aambag sa pagsusulong ng makatao, makakalikasan, at pangmatagalang kaunlaran ng mga komunidad. Sa programa, ginawaran ng parangal ang mga natatanging guro, mananaliksik, kawani ng administrasyon, samahang mag-aaral, at mga programa na nagpakita ng kahusayan, integridad, at dedikasyon sa pagpapanatili ng dangal, katalinuhan, at paglilingkod sa bayan.
Sa kanyang inspirasyonal na mensahe, binigyang-diin ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang kanyang pasasalamat at pagmamalaki bilang produkto ng CHE at ng UPLB. Ipinahayag niya na ang mga aral at halagang kanyang natutunan sa kolehiyo, maging ang honor, excellence, at passion for public service na nagsilbing gabay sa kanyang pamumuno bilang Punong Bayan ng Los Baños. Sa talakayang “CHE Pathways to Sustainable Community Impacts,” ibinahagi naman ni Mayor Nocon ang mga programang isinasagawa ng lokal na pamahalaan ng Los Baños na nakatuon sa sustenableng kabuhayan, pangangalaga sa kapaligiran, at inklusibong paglago, bilang patunay na posible ang tunay na kaunlaran kapag ang agham at serbisyo publiko ay nagkakaisa tungo sa kapakanan ng bawat mamamayan.
Ang pagdiriwang ng CHE @51 ay hindi lamang isang pagbabalik-tanaw sa makulay na kasaysayan ng kolehiyo, kundi isang pagpapatunay sa patuloy nitong ambag sa inobasyon at pagpapaunlad ng lipunan. Ipinapakita rin nito ang diwa ng paglilingkod at malasakit sa bayan, isang adhikaing buong puso namang isinusulong at sinusuportahan ni Mayor Neil Andrew N. Nocon bilang isang lider, lingkod-bayan, at mapagmalasakit na produkto ng unibersidad.
Related:
-
Most Viewed Article
