MENU
Philippine Standard Time:
State of the Children Address (SOCA) 2025 in Los Baños promoted stronger protection against online child abuse (November 28, 2025)
Published date: Dec 1, 2025
State of the Children Address (SOCA) 2025 in Los Baños promoted stronger protection against online child abuse (November 28, 2025)

Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, naging matagumpay ang Los Baños State of the Children Address (SOCA) nitong Nobyembre 28, 2025 (Biyernes) sa Municipal Activity Area, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 33rd National Children’s Month na may temang “Online Sexual Abuse and Exploitation (OSAEC) at Child Sexual Abuse and Exploitation Materials (CSAEM) wakasan, kaligtasan at karapatan ng bata, ipaglaban!”

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Nocon ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan, paaralan, at komunidad sa pagsusulong ng kaligtasan, karapatan, at dignidad ng bawat batang Los Bañense. Aniya, hindi lamang responsibilidad ng mga magulang at guro, kundi ng buong sambayanan, na tiyakin na ang mga bata ay ligtas sa anumang uri ng pang-aabuso.

Bilang pagpapakita ng pagkakaisa, pinangunahan din ni Mayor Nocon ang “Proteksyon sa Bata, Responsibilidad ng Lahat” Pledge signing kasama ang iba’t ibang stakeholders ng bayan kabilang ang PNP, Teachers, Sangguniang Kabataan, Parents, Barangay Officials, Municipal Council for the Protection of Children, at Community partners, bilang paninindigan sa panawagang “Protect, Prevent, Report and Respond, Support Survivors, and Work together”, isang kolektibong pangako upang ang lahat ng anyo ng OSAEC at CSAEM sa bayan.

Bilang bahagi ng selebrasyon, ginawaran din ng pagkilala ang mga paaralang lumahok sa mga patimpalak na layong itaas ang kamalayan ng kabataan hinggil sa pangangalaga ng kanilang mga Karapatan. Mainit na pagbati sa lahat ng nagwagi:

POSTER MAKING CONTEST

🏆 Champion: Lopez Elementary School

🥇 1st Place: Maahas Elementary School

🥈 2nd Place: Lalakay Elementary School

💖 People’s Choice Award: Malinta Elementary School

SHORT FILM CONTEST

🏆 Champion: Los Baños Integrated School

🥇 1st Place: Los Baños National High School - Poblacion

🥈 2nd Place: Tuntungin-Putho Integrated School

💖 People’s Choice Award: Los Baños National High School – Poblacion

Ang pagdiriwang ay patunay ng patuloy na pangako ng Pamahalaan upang itaguyod ang karapatan, kapakanan, at kinabukasan ng bawat batang Los Bañense. 

#StateOfTheChildrenAddress

#OSAECCSAEMFreeLB

#NationalChildrensMonth

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 861 Total Views

Related:


;