MENU
Philippine Standard Time:
Youth Forum in line with the 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) at Los Baños
Published date: Dec 1, 2025
Youth Forum in line with the 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) at Los Baños

Bilang pakikiisa sa taunang pagdiriwang ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW), ang Laguna Lake Development Authority (LLDA) katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon ay nagsagawa ng Youth Forum na layuning palawakin ang kaalaman at kamalayan ng kabataan hinggil sa mga isyung may kinalaman sa karahasan at diskriminasyon laban sa kababaihan.

Dinaluhan ang forum ng mga mag-aaral mula sa mga pampublikong senior high schools sa bayan ng Los Baños. Sa naturang aktibidad, tinalakay ang mga mandato ng LLDA, ang Gender Sensitivity Training (GST) upang linangin ang pag-unawa sa pagkakapantay-pantay ng kasarian, at ang Orientation on Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law) na naglalayong itaguyod ang ligtas at magalang na pakikitungo sa lahat ng kasarian sa pampubliko at pribadong mga espasyo.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños para sa isang bayang may malasakit, pagkakapantay-pantay, at respeto sa karapatan ng bawat mamamayan.

#18DayCampaignToEndVAW

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 248 Total Views

Related:


;