18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) and Los Baños Sunset at the Park (November 29, 2025)
Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Office at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pagdiriwang ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) kasabay ng lingguhang Sunset at the Park sa General Paciano Rizal Park bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya para sa ligtas, pantay, at makatarungang bayan.
Nagbigay ng mensahe si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, kung saan binigyang-diin nya na ang VAW ay hindi lamang responsibilidad ng kababaihan, kundi isang sama-samang tungkulin ng buong bayan. Pinuri nila ang patuloy na pagsisikap ng mga ahensyang nagsusulong ng proteksiyon at pagkalinga, at hinikayat ang mga mamamayan na maging tagapagtanggol at kaagapay ng mga biktima ng karahasan.
Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Department and Unit Heads, mga kawani ng pamahalaan, kapulisan, mga Punong barangay, VAW Desk Officers, mga kinatawan ng iba't ibang ahensya kabilang ang DENR PENRO Laguna, UP Open University, PHSA, DOST FPRDI, BFAR, at mga residente ng Los Baños.
Nagbahagi si MSWD Officer Hanna Erika E. Laviña ng detalyadong ulat ukol sa 175 kaso sa bayan na may kaugnayan sa Violence Against Women and Children (VAWC). Samantala, tinalakay naman ni GAD Officer Karen Lagat-Mercado ang mga lokal na polisiya at programang naglalayong mapalakas ang proteksiyon at suporta sa mga kababaihan at bata sa Los Baños.
Bilang bahagi ng selebrasyon, ginanap din ang awarding of winners para sa Don’t Tell Me How To Dress (Barangay & Inter-agency Edition), at VAW IEC Materials Brochure Making Contest na nagpakita ng pagkamalikhain at adbokasiya ng mga kalahok.
Nagkaroon rin ng masayang Sunset at the Park performances mula kina LBirit Champion Jasmin Palis, RA’John Panopio, Patricia Ramos, at Soul Jive Duo.
Sa paglubog ng araw sa Sunset at the Park, muling pinagtibay ng Los Baños ang panawagang wakasan ang karahasan sa kababaihan at bata, at paalala na ang laban kontra VAW ay nagpapatuloy sa ating araw-araw na pagkakaisa.
Related:
-
Most Viewed Article
