MENU
Philippine Standard Time:
MGLB expressed its full support to the Xylarium Marker Unveiling Ceremony of DOST-FPRDI
Published date: Dec 1, 2025
MGLB expressed its full support to the Xylarium Marker Unveiling Ceremony of DOST-FPRDI

Buong suporta ang ipinahayag ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa ginanap na Xylarium Marker Unveiling Ceremony ng Department of Science and Technology - Forest Products Research and Development Institute (DOST-FPRDI) nitong Nobyembre 28, 2025 (Biyernes) sa DOST-FPRDI Compound, Los Baños, Laguna.

Sa nasabing programa, nagbigay ng makabuluhang mensahe si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng mga institusyong pang-agham upang mapalakas ang adbokasiya sa siyensya, inobasyon, at pangangalaga sa kalikasan. Ipinahayag din ni Mayor Nocon ang kanyang pagnanais na higit pang maipakilala ang Los Baños bilang “Science and Nature City”, kung saan nagtatagpo ang agham, kultura, at turismo para sa pangmatagalang pag-unlad ng bayan.

Nagbigay din ng mensahe si Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon, na nagpahayag ng kanyang paghanga sa kontribusyon ng DOST-FPRDI sa pagsulong ng makabagong teknolohiya sa larangan ng forest products at sustainable development. Binanggit din niya ang kahalagahan ng pagkilala sa Xylarium bilang bahagi ng Cultural Heritage ng Los Baños, isang konkretong simbolo ng yaman ng kalikasan at karunungang Pilipino na dapat pangalagaan at ipagmalaki.

Ibinahagi rin ni Hon. Councilor Muriel Laisa B. Dizon ang kanyang mensahe bilang punong may-akda ng Municipal Resolution No. 2025-180 na nagsusulong sa pagkilala sa DOST-FPRDI Xylarium Collection bilang Cultural Heritage, Science and Technology, at Tourism Landmark ng bayan. Ayon sa kanya, ang resolusyong ito ay patunay ng malasakit ng buong Sangguniang Bayan sa mga proyektong nag-uugnay sa agham, kultura, at lokal na identidad ng Los Baños.

Dumalo rin sa naturang seremonya ang iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Los Baños kabilang sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Benedicto S. Alborida, Hon. Myla E. Alinsunurin, Hon. Jay A. Rolusta, gayundin sina ABC President Gaudencio Macatangay at SK Federation President Samantha Banasihan Ortega.

Bilang pagkilala sa pakikiisa ng lokal na pamahalaan, ginawaran ng DOST-FPRDI ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños ng Plaque of Recognition. Matapos ang seremonya, isinagawa ang Xylarium Tour at Forest Products Innovation Center Tour, kung saan ipinakita ang malawak na koleksyon ng mga uri ng kahoy at mga makabagong teknolohiyang isinusulong ng FPRDI para sa pangangalaga at tamang paggamit ng mga produktong gubat.

Ang matagumpay na Xylarium Marker Unveiling Ceremony ay hindi lamang pagdiriwang ng siyensya at inobasyon, kundi isang pagpapatibay ng ugnayan ng kultura, kalikasan, at pamahalaan. Isa muling hakbang paabante tungo sa mas makabago, makakalikasan, at mas maunlad na bayan ng Los Baños.

#XylariumMarkerUnveilingCeremony

#LosBañosCulturalHeritage

#DOSTFPRDI

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 181 Total Views

Related:


;