Disyembre na sa Los Baños: Lighting Ceremony at Market Bazaar Opening celebrated unity and Christmas spirit (November 28, 2025)
DISYEMBRE NA SA LOS BAÑOS!
Opisyal nang sinalubong ang kapaskuhan sa bayan ng Los Baños sa pamamagitan ng Lighting Ceremony at Market Bazaar Opening nitong Nobyembre 28, 2025 (Biyernes) sa Gen. Paciano Rizal Park, Brgy. Baybayin, Los Baños, Laguna sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Kabilang sa mga sumuporta at sumaksi sa makulay na pagdiriwang sina Laguna Governor Sol Aragones, mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Los Baños, MGLB Department at Unit Heads, municipal employees, mga residente ng Los Baños, at iba pang mga panauhin.
Isa sa mga tampok ng selebrasyon ang mga makukulay na Christmas decorations kabilang ang inisyatiba ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon na recycled parols na inilagay sa paligid ng parke. Ang mga parol ay gawa sa muling nagamit na materyales, na simbolo ng liwanag, pag-asa, at malasakit sa kapaligiran, na nagpakita ng malikhaing paraan ng bayan upang itaguyod ang sustenableng pagdiriwang ng Pasko at pangangalaga sa kalikasan. Pinasigla rin ang selebrasyon ng pagbubukas ng Market Bazaar, kung saan tampok ang mga natatanging produkto ng Los Baños na sumuporta sa mga lokal na kabuhayan ng bayan. Nagbigay saya at inspirasyon naman sa programa ang mga espesyal na pagtatanghal mula sa Coro de Nuestra Señora de las Aguas Santas at UP Rural High School Glee Club.
Ang selebrasyon ay nag-iwan ng isang matamis na alaala sa lahat ng dumalo, na nagpapatunay na ang Pasko sa Los Baños ay higit pa sa ilaw at dekorasyon, ito ay isang pagdiriwang ng pagkakaisa, kultura, at malasakit. Sa Gen. Paciano Rizal Park, muling napatunayan na ang bayan ay handang magsama-sama, magdiwang, at magbigay liwanag hindi lamang sa parke, kundi sa puso ng bawat Los Bañense ngayong Kapaskuhan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
