Public Service Values Program (PSVP) Training of CSC IV-A enhanced commitment to quality public service in Los Baños (November 26, 2025)
Matagumpay na isinagawa ang Public Service Values Program (PSVP) Training nitong Nobyembre 26, 2025 (Miyerkules) sa Municipal Multipurpose Hall ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa pamamagitan ng Human Resource Management Office (HRMO) sa pangunguna ni Ms. Miraflor Tado, katuwang ang Civil Service Commission (CSC) Region IV-A.
Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Nocon ang mahalagang papel ng bawat lingkod-bayan at hinikayat silang higit pang paalabin ang dedikasyon ng sa tapat, mahusay, at makabuluhang paglilingkod. Nakiisa rin sa programa sina Municipal Administrator Atty. Virgilio A. Tiongson, Jr., Chief of Staff Anatoly Guinto, Executive Assistant III Mark Anthony L. Antioquia, at iba pang kawani mula sa iba’t ibang Departamento at Yunit ng MGLB.
Pinangunahan naman nina CSC IV Chief HR Specialist Orchid Narvaez Leonor at Training Assistant Teresita C. Lumba ng CSC Field Office ang lecture sessions hinggil sa mahahalagang values sa serbisyo publiko kabilang ang Patriotism, Integrity, Excellence, and Spirituality (PIES). Nagkaroon rin ng pagbuo ng PIES Action Plan, na layong patibayin ang kultura ng kahusayan at katapatan sa loob ng pamahalaang tanggapan.
Dito sa Los Baños, tuloy-tuloy na pinagtitibay ang pundasyon tungo sa mas organisado at mas maaasahang serbisyo publiko. Sa patuloy na pag-abanteng ito, tiniyak nating magiging mas epektibong serbisyo ang maihahatid sa publiko.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
