Los Baños Sunset at the Park (November 22, 2025)
LOS BAÑOS SUNSET AT THE PARK: isang gabi ng musika, lokal na produkto, at pagkakaisa
Muling ginanap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang Sunset at the Park nitong Sabado, Nobyembre 22, 2025 sa Gen. Paciano Rizal Park. Itinampok dito ang iba’t ibang local products, food stalls, at mga natatanging pagtatanghal mula sa lokal na talento kabilang ang UP Jammers’ Club, Makī, Juli, Drei, at Liz, na nagbigay-sigla sa pagdiriwang sa gitna ng malamig na simoy ng hangin sa dapithapon.
Pinasigla nito ang lokal na turismo, suporta sa maliliit na negosyo at lokal na produkto, at itinaguyod ang kultura, sining, at talento ng ating bayan. Ang Sunset at the Park ay patunay na ang Los Baños ay hindi lamang bayan ng agham at kalikasan, ito rin ay bayan ng sining, talento, at pagkakaisa.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
