Strengthened local governance participation of Los Baños at DILG IV-A's 2025 Regional Decentralization Conference (RDC) (November 25, 2025)
Ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kasama sina Municipal Planning and Development Coordinator Twila Torres at Municipal Nutrition Action Officer Madeleine Alforja ay nakiisa sa 2025 Regional Decentralization Conference (RDC) na may temang “Building on Local Perspectives,” na isinagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) IV-A nitong Nobyembre 25, 2025 (Martes) sa Tagaytay City, Cavite.
Pinalakas sa pagtitipon ang kakayahan at kaalaman ng mga lokal na Pamahalaan hinggil sa desentralisasyon, lokal na pamamahala, at pagpapaunlad ng fiscal autonomy. Ilan sa mga pangunahing tinalakay ay ang DLGRAP (Department of Local Governance Reform Acceleration Program), Local Governance and Decentralization, local fiscal economy ng ating bansa at epekto ng fiscal decentralization sa nutrition security. Nagkaroon din ng panel discussion at open forum kung saan naibahagi ang mga karanasan, pananaw, at rekomendasyon ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang lalawigan at bayan sa rehiyon.
Ang aktibong partisipasyon ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ganitong mga pagtitipon ay naglalatag ng matibay na pundasyon para sa mas responsable at umaabanteng lokal na pamamahala.
#RegionalDecentralizationConference
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
