Los Baños Baseball Team honored for outstanding victory in 2025 1Munti Baseball Classic (November 25, 2025)
Nagsagawa ng isang Courtesy Visit sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang mga manlalaro at coaches ng Los Baños Baseball Team kaugnay ng kanilang natatanging tagumpay bilang Champion sa Minor Division (10 years old and under) at 3rd Place sa Senior Division (18 years old and under) sa prestihiyosong 2025 1Munti Baseball Classic na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa at ginanap sa Alabang Country Club noong Setyembre 27–28 at Oktubre 25–26, 2025. Mainit silang tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Neil Andrew Nocon bilang pagkilala sa karangalang iniuwi ng koponan para sa bayan.
Kinilala rin sa naturang pagbisita si Ely Baradas kasama ang mga little league coaches at championship team players na sina Lance R. Valdeavilla, Cyler D. Marantal, Marion Leron, James Sequijor, Jairus Candela, Josef Mikael L. Espiña, Clarkson Matalog, John Mark Martinez, Scoff Rafhael Reyes, Nathaniel Sante, Prince Andrei Himongala, Jhonwelle Lanticse, at Jhan Levi Manzo. Ipinakita ng kanilang tagumpay ang husay, tiyaga, at dedikasyon ng kabataang Los Bañense sa larangan ng baseball.
Binigyang-diin din na ang kanilang pagkapanalo ay hindi lamang personal na tagumpay kundi isang malaking karangalan para sa buong bayan ng Los Baños. Patuloy nitong pinatutunayan na ang Los Baños ay tahanan ng mga mahuhusay at may pusong atletang kabataan na nagbibigay inspirasyon sa komunidad. Congratulations at mabuhay ang Los Baños Baseball Team!
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
