MENU
Philippine Standard Time:
Solo Parent General Assembly and Solo Parent Pampering Day 2025 at Los Baños (November 21, 2025)
Published date: Nov 24, 2025
Solo Parent General Assembly and Solo Parent Pampering Day 2025 at Los Baños (November 21, 2025)

PAGPAPATIBAY AT PAGPAPALAKAS SA MGA SOLO PARENTS NG LOS BAÑOS!

Matagumpay na isinagawa nitong Nobyembre 21, 2025 (Biyernes) ang Solo Parent General Assembly at Solo Parent Pampering Day 2025 sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng MSWDO sa pangunguna ni Ms. Hanna Erika E. Laviña, RSW, MPA, katuwang ang Solo Parent Federation sa pamumuno ng Focal Person na si Ms. Sheila Marie P. Care, RSW. 

Tampok sa programa ang paglalahad ng 2025 accomplishments, halalan ng bagong opisyal ng samahan, at pamamahagi ng condiment packages sa mga dumalo. Kasunod nito, 100 karapat-dapat na solo parents ang nakaranas ng libreng manicure, pedicure, masahe, at gupit bilang pagkilala sa kanilang sipag at katatagan. Lubos na pasasalamat kay Mayor Neil Andrew N. Nocon sa kanyang walang sawang suporta, at sa Personal Collection sa libreng registration at giveaway items na nagdagdag saya sa okasyon. 

Higit pa sa isang pagtitipon, ito ay larawan ng pagkalinga at pagkakaisa, patunay na sa Los Baños, bawat magulang ay may karamay, may boses na pinakikinggan, at may kinabukasang pinangangalagaan. 

#SoloParentGeneralAssembly2025

#SoloParentPamperingDay2025

#SoloParentsFederation

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 1936 Total Views

Related:


;