Rizal Classrooms of the Future Teacher’s Training and Project Pre-launch at Los Baños, Laguna
Buong tagumpay na ginanap nitong Nobyembre 21, 2025 (Biyernes) sa U.P. Open University Main Building ang Rizal Classrooms of the Future Teacher’s Training at Project Pre-launch. Ang Rizal Classrooms of the Future at ang makabagong Rizal Tablet ay inisyatiba ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, bilang hakbang sa modernisasyon at pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa bayan ng Los Baños.
Ang programa ay sinuportahan ni Laguna Governor Sol Aragones sa pamamagitan ng SecGen Donald Castro, maging nina DepEd Laguna Schools Division Superintendent Dr. Editha M. Atendido at Schools District Supervisor Dr. Soledad S. Villanueva ng DepEd Los Baños, bilang katuwang sa pagtataguyod ng makabagong pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto.
Nagbigay ng keynote speech si dating NEDA Secretary at EDCOM II Advisor Cielito F. Habito patungkol sa pagpapayabong ng karunungan at pagpapahalaga sa edukasyon. Kasama sa mga mahahalagang sesyon ang pagtalakay ni Dr. Louie A. Divinagracia sa pananaw sa edukasyon ni Dr. Jose Rizal, ang pagbabahagi ni Mr. Erik Zaide ng mga karanasan at aral sa paggamit ng Rizal Tablet, at ang pag-aaral sa self-paced blended learning sa elementarya ni Prof. Violeta V. Quintana.
Ipinakilala rin ang mga teknolohiyang susuporta sa makabagong pagtuturo, kabilang ang Learning Management System Platform sa pangunguna ni Ms. Jenielyn Padernal ng NEO LMS, at ang pagtalakay sa konsepto at layunin ng Rizal Classrooms of the Future ni UPOU Prof. Ari Luis C. Halos. Tinalakay naman ni Principal Rodel J. Guevarra ng Mayondon Elementary School ang ARAL Program, modality at assessment; habang pinalawig naman ni Dr. Melinda DP Bandalaria ang tech-supported blended teaching at learning. Pinangunahan naman nina Ms. Jan Chavez-Arceo at Mr. Alvin Diamante ang simulation on operationalization of intervention sessions.
Ang Rizal Classrooms of the Future ay hindi lamang proyekto, kundi kundi simula ng isang mas makabago at inklusibong pagkatuto; at sa tulong ng edukasyon at teknolohiya, sabay-sabay tayong huhubog ng mas matalino, makabago, at makabayang henerasyon ng Los Baños.
Related:
-
Most Viewed Article
