MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (last Monday of November 2025)
Published date: Nov 24, 2025
Weekly Flag Raising Ceremony (last Monday of November 2025)

Ang lingguhang pagtataas ng watawat sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños para sa huling Lunes ng Nobyembre 2025 ay pinangunahan ng Barangay Timugan sa pamumuno ni Punong Barangay Renato Samson, na nagbahagi ng mga mahahalagang ulat at tagumpay ng kanilang tanggapan.

Dumalo sa seremonya si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kasama ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan, Department and Unit Heads, DILG Family, at municipal employees. Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Mayor Nocon ang mga nalalapit na aktibidad ng pamahalaan at nagbigay ng mensahe ng inspirasyon sa mga kawani para sa panibagong linggo ng paglilingkod.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month 2025, pinasinayaan ng Philippine National Police (PNP) Los Baños ang panunumpa ng Panatang Makabata bilang pagpapaalala sa kahalagahan ng pangangalaga at pagtataguyod sa karapatan at kapakanan ng bawat batang Pilipino.

Kaugnay nito, iginawad din ng PNP ang mga Certificates of Commendation bilang pagkilala sa mga katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa nagdaang Ligtas Undas 2025 sa Philippine Red Cross, Patrol Police Force Multipliers Inc., The Philippine Guardians Brotherhood, Inc., Los Baños Safety and Emergency Team, Police Anti-Crime Support Group, Community Volunteer Organizations, at MDRRMO Volunteers.

Isang patunay ang seremonyang ito na ang pagkakaisa at malasakit ng pamahalaan ang tunay na sandigan sa patuloy na kaunlaran at kaligtasan ng bayan ng Los Baños. 

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 432 Total Views

Related:


;