MENU
Philippine Standard Time:
Food Safety Training at the Municipality of Los Baños (November 19, 2025)
Published date: Nov 20, 2025
Food Safety Training at the Municipality of Los Baños (November 19, 2025)

Isinagawa nooong Nobyembre 19, 2025 (Miyerkules) sa Municipal Multipurpose Hall ang Food Safety Training na pinangunahan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa pamamagitan ng Municipal Health Office (MHO) at Municipal Nutrition Action Office (MNAO), katuwang ang Institute of Food Science and Technology (IFST) ng University of the Philippines Los Baños (UPLB).

Nagbahagi ang pagsasanay ng mga kaalaman hinggil sa tamang kaligtasan sa paghahanda, pagproseso, at paghawak ng pagkain upang mapanatili ang kalusugan at kapakanan ng mamamayan. Tinalakay ng mga kinatawan mula sa IFST-UPLB ang mahahalagang paksa tulad ng Keys to Safer Food, Food Hazards, at Good Manufacturing Practices. Sinundan ito ng workshop session sa hapon kung saan aktibong lumahok ang mga dumalo sa mga gawaing nagpatibay ng kanilang kaalaman at kasanayan sa food safety practices. 🍽️

Ang naturang pagsasanay ay nagsilbing mahalagang hakbang sa pagpapaigting ng kaalaman at disiplina sa tamang pamamahala ng pagkain. Sa patuloy na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, mga ahensya, at akademya, layunin ng Bayan ng Los Baños na makamit ang isang bayan na may mataas na kamalayan sa kaligtasan ng pagkain at pangkalahatang kalusugan ng mamamayan. 🧑‍🍳🥬

#FoodSafetyTraining

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 421 Total Views

Related:


;