Enhancement Training for Local Peace and Order Council (LPOC) advanced crime prevention and public safety awareness in Los Baños (November 18, 2025)
Isinagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, ang Enhancement Training para sa Local Peace and Order Council (LPOC) nitong Nobyembre 18, 2025 (Martes) sa Municipal Multipurpose Hall.
Ang pagsasanay na ito ay nagpalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga miyembro ng LPOC sa pagtukoy at paglutas ng mga suliraning may kinalaman sa seguridad, kapayapaan, at kaayusan sa lokal na antas. Kabilang sa mga pangunahing paksa ang “Identification of Priority Issues and Contributing Factors in the Community” na tinalakay ni Police Executive Master Sergeant Gregorio Bisenio Jr., MCAD PNCO, at ang “Crime Situation” na inilahad naman ni PCPL Jhonel Geniza, Assistance Operation PHCO.
Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan upang mapanatili ang isang maayos, ligtas, at mapayapang bayan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
