Pasko sa Gubat 2025 Awarding Ceremony (November 19, 2025)
Isang makulay at masayang Awarding Ceremony ang ginanap nitong Nobyembre 19, 2025 (Miyerkules) sa Municipal Activity Area, bilang bahagi ng taunang selebrasyon ng Pasko sa Gubat 2025 sa bayan ng Los Baños. Sa temang “Itaguyod ang Lakas, Husay, at Pagkakaibigan,” ipinakita ng bawat kalahok ang tunay na diwa ng pagkakaisa at healthy competition sa pamamagitan ng iba’t ibang larong pampalakasan.
Mainit na pagbati sa lahat ng nagwagi:
Overall Champion: LGU Los Baños
Overall 1st Runner Up: ERDB
Overall 2nd Runner Up: DOST-PCAARRD
Iginawad din sa mga manlalaro ang trophies, medals, at certificates bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at galing. Kinilala ang mga Season MVPs at Mythical 6 sa Volleyball (Men & Women) at Basketball, gayundin ang mga Finals MVPs at Special Awardees sa Table Tennis, Badminton, Dama, Chess, Mobile Legends, Darts, at Scrabble.
Lubos na pasasalamat sa lahat ng ahensyang aktibong lumahok: PCAARRD, ERDB, CFNR, ACB, FPRDI, DENR, at LGU Los Baños. Isang makabuluhang pagtatapos, ngunit simula ng mas matatag na ugnayan ng mga tanggapan sa ating bayan. Patunay lamang na sa diwa ng Pasko sa Gubat, pagkakaisa’t pagkakaibiga'y mamamayani magpakailanman.
#PaskoSaGubat2025
#ItaguyodAngLakasHusayAtPagkakaibigan
#MunicipalityOfLosBaños
#SerbisyongDiretsoSaTao
#AbanteLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
