MENU
Philippine Standard Time:
Capability Enhancement Training for Law Enforcers, Barangay Tanods, and Force Multipliers of Los Baños (November 17, 2025)
Published date: Nov 19, 2025
Capability Enhancement Training for Law Enforcers, Barangay Tanods, and Force Multipliers of Los Baños (November 17, 2025)

Matagumpay na isinagawa ang Capability Enhancement Training para sa mga Law Enforcers, Barangay Tanods, at iba pang Force Multipliers ng Bayan ng Los Baños nitong Nobyembre 17, 2025 (Lunes) sa Municipal Audiovisual Room, sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon.

Pinalawak ng pagsasanay ang kaalaman at kakayahan ng mga tagapagpatupad ng batas sa barangay at munisipyo upang masiguro ang maayos, ligtas, at disiplinadong komunidad. Tinalakay sa programa ang mahahalagang paksa tulad ng mga tungkulin at responsibilidad ng mga law enforcers, barangay tanods, at force multipliers; oryentasyon sa mga key municipal ordinances kabilang ang curfew, traffic at road safety, anti-open pipe, anti-smoking, at mga environmental protection ordinances gaya ng waste segregation, anti-dumping, anti-littering, at open-pit burning.

Ibinahagi rin ang tamang mga pamamaraan sa pagpapatupad ng ordinansa, koordinasyon at komunikasyon sa pagitan ng mga ahensya, at isinagawa ang deputization at commitment signing bilang tanda ng kanilang dedikasyon sa serbisyo publiko. Kabilang sa mga naging tagapagsalita sina Hon. Arlene P. Delos Santos ng Brgy. Bambang, Chief of Police PLtCol John Eric B. Antonio, PSO Head Edilco Abad, Ms. Marlyn B. Rañola mula sa MHO, Acting MENRO Joseph Navasero, Veterinarian II Maria Filipina B. Lorenzo, Agriculturist I Andrei Fabella, at PCMS Nelson C. Tejada II.

Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinagtibay ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang paninindigan sa pagpapanatili ng kaayusan, kaligtasan, at kapayapaan sa bawat barangay, isang hakbang tungo sa mas maunlad, disiplinado, at responsableng bayan.

#CapabilityEnhancementTraining

#LawEnforcers

#BarangayTanods

#ForceMultipliers

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 740 Total Views

Related:


;