MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Sunset at the Park (November 15, 2025)
Published date: Nov 19, 2025
Los Baños Sunset at the Park (November 15, 2025)

Isang makulay at masayang kaganapan ang isinagawang "Sunset at the Park" na inorganisa ng Lokal na Pamahalaan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong Nobyembre 15, 2025 (Sabado) sa Gen. Paciano Rizal Park.

Sama-samang nagtipon ang mga residente at panauhin mula sa iba’t ibang lugar upang tangkilikin ang bazaars, local products, at mga espesyal na pagtatanghal mula sa mga talented local artists kabilang ang Selah PH, Oyayi, Audrey and Evan, Migz, at Gab. Ang kaganapang ito ay isinagawa bilang isang benepisyo para kay Altair Leora Vega, at naging isang malaking pagkakataon para magtipon at magsaya ang ating bayan habang tinatangkilik ang lokal na sining at kultura.

Hindi lamang liwanag ng papalubog na araw ang nagbigay-kulay sa pagtitipon, kundi ang pag-asa at pagkakaisa ng bawat isa. Patunay ang “Sunset at the Park” na ang pag-unlad ng turismo at aktibong pakikilahok ng mamamayan ay patuloy na nagtatanglaw sa mas maliwanag na bukas ng ating bayan.

#SunsetAtThePark

#GeneralPacianoRizalPark

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 527 Total Views

Related:


;