MENU
Philippine Standard Time:
Culminating Activity of the Los Baños Creative Workshop: Brigada Sining 2025 strengthened collaboration in arts, education, and youth development (November 14, 2025)
Published date: Nov 18, 2025
Culminating Activity of the Los Baños Creative Workshop: Brigada Sining 2025 strengthened collaboration in arts, education, and youth development (November 14, 2025)

Matagumpay na ginanap ang Culminating Activity ng Los Baños Creative Workshop: Brigada Sining nitong Nobyembre 15, 2025 (Sabado) sa Caesar P. Perez Memorial Stadium and Evacuation Center. Ang programa ay naging sentro ng iba’t ibang pagtatanghal at presentasyon na nagpakita ng talento at pagkamalikhain ng kabataang Los Bañense.

Dinaluhan ito ni Konsehal Jay Rolusta bilang Committee Chair on Education, at ni SK Federation President Samantha Banasihan-Ortega, bilang suporta sa adbokasiya ng kabataan at edukasyon sa larangan ng sining.

Sa masinop na pangunguna ng Philippine High School for the Arts (PHSA) at pakikipagtulungan ng DepEd Los Baños, at ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa pamamagitan ng Local Youth Development Office (LYDO), naitampok sa programa ang mga pagtatanghal mula sa larangan ng malikhaing pagsulat, musika, sining biswal, teatro, ballet, at katutubong sayaw.

Ang Brigada Sining ay muling nagpakita ng lakas ng kolaborasyon sa pagitan ng edukasyon, pamahalaan, at kabataan ng ating bayan. Isa itong konkretong hakbang tungo sa mahalagang bahagi ng paghubog sa mga kabataang mamamayan at patuloy na pag-abante ng bayan sa sining, kultura, at kaalaman.

#BrigadaSining

#LosBañosCreativeWorkshop

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 675 Total Views

Related:


;