MENU
Philippine Standard Time:
Benchmarking and Learning Visit of the Municipality of Can-Avid, Eastern Samar to the Municipality of Los Baños
Published date: Nov 18, 2025
Benchmarking and Learning Visit of the Municipality of Can-Avid, Eastern Samar to the Municipality of Los Baños

Matagumpay na isinagawa nitong Nobyember 14, 2025 ang Benchmarking and Learning Visit ng Municipality of Can-Avid, Eastern Samar sa Municipality of Los Baños, sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon. Layunin ng pagbisitang ito na palalimin ang ugnayan sa pagitan ng dalawang lokal na pamahalaan at magkaroon ng palitan ng mahuhusay na kaalaman at programa para sa mas epektibong paglilingkod sa kani-kanilang bayan.

Sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Office na pinamumunuan ni Ms. Karen L. Mercado, ibinahagi ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang mga pinakamahusay nitong GAD practices, kabilang ang mga inisyatiba na tumutugon sa gender mainstreaming, women empowerment, at paglikha ng inklusibong mga programa para sa lahat ng sektor. Nakibahagi rin at buong-suportang dumalo sina Queensehala Leren Mae Bautista at Hon. Councilor Jay Rolusta, na nagbigay-diin sa patuloy na adbokasiya ng Los Baños para sa makabuluhang kaunlaran at pag-unlad na nararamdaman ng bawat mamamayan.

Sa pagpapatuloy ng ganitong uri ng kolaborasyon, nananatiling bukas ang Los Baños sa mga katuwang na LGU upang magsilbing inspirasyon at kaagapay sa paghubog ng mas inklusibong bayan para sa lahat.

#Benchmarking

#LearningVisit

#MunicipalityOfCanAvidEasternSamar

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 201 Total Views

Related:


;