Signing of the Appropriation Ordinance for Fiscal Year 2026 of the Municipality of Los Baños
PORMAL NA PAGPAPATIBAY NG ORDINANSA NG PONDO PARA SA TAONG 2026
Isinagawa ang Signing of the Appropriation Ordinance for Fiscal Year 2026 (Ordinance No. 2025-2450) ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kasama si Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon at ang mga Kagalang-galang na Miyembro ng Sangguniang Bayan.
Ang naturang ordinansa ay nagsisilbing batayan ng taunang pondo ng Bayan ng Los Baños para sa taong 2026, na layuning mapatatag pa ang mga programang pangkaunlaran, serbisyong pampubliko, at mga proyektong magdudulot ng higit na benepisyo sa mga mamamayan.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at matibay na ugnayan ng Ehekutibo at Lehislatibo, ipinamalas ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang patuloy na pagtutok sa maayos, tapat, at epektibong paggamit ng pondo ng bayan tungo sa mas maunlad at mas maayos na bayan.
Related:
-
Most Viewed Article
