MENU
Philippine Standard Time:
RESOLUTION ADOPTING THE IATF RESOLUTION NO. 118-A, SERIES OF 2020
Published date: Jun 3, 2021
RESOLUTION ADOPTING THE IATF RESOLUTION NO. 118-A, SERIES OF 2020

Ang lalawigan ng Laguna ay kasama sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine with Restrictions. Narito po ang mga panuntunan na dapat nating sundin:

1. Ang mga food preparation establishment tulad ng commissaries, restaurants at eateries ay maaaring mag-operate sa kanilang indoor dine-in services sa 30% venue o seating capacity habang ang outdoor o al fresco ay maaari sa 50% venue o seating capacity.

2. Ang mga beauty salon, beauty parlor, barbershops at nail spa ay maaaring mag-operate nang hanggang apatnapung porsyentong (40%) seating capacity nito. Ang mga establisimiyentong ito ay maaari lamang magbigay ng serbisyo na kailangang nakasuot ang face mask ng kliyente at service provider sa lahat ng oras.

3. Ang lahat ng Meetings, Incentives, Conventions, and Exhibitions (MICE) sa mga eligible venue establishment ay pinapayagan hanggang sa 30% ng venue capacity, habang 10% ng venue capacity naman ang pinapayagan para sa mga social event.

Kailangan namang mag-isyu ng mga panuntunan ang DTI at Department of Tourism para sa MICE at social event.

4. Ang mga outdoor tourist attractions ay maaari pa ring mag-operate sa 30% capacity kasabay ng mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards.

5. Sa ilalim ng Safety Seal Certification Program, ang mga business establisment na mayroong Safety Seal Certification ay maaaring mag-operate nang may karagdagang 10 percentage points sa pinapayagang on-site o venue/seating capacity.

6. Ang mga Indoor sports court at venue maging ang indoor tourist attractions ay hindi pa rin maaaring mag-operate.

7. Ang specialized markets ng Department of Tourism (DOT) tulad ng walang age restriction at pinapayagan kasabay ng pagsunod sa minimum public health standards at anumang protocols at restrictions na ipinapatupad DOT.

8. Ang pagbyahe mula NCR Plus papunta sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine ay pinapayagan nang walang age restriction ngunit kailangang sumailalim sa RT-PCR test bago bumyahe ang mga wala pang 18 taong gulang at mahigit sa 65 taong gulang. Ang iba pang mga panuntunan ay maaari ring ipatupad ng DOT at ng Lokal na Pamahalaan ng lugar na pupuntahan.

9. Ang mga pagtitipong panrelihiyon ay papayagan hanggang sa tatlumpung porsyento (30%) ng kapasidad ng kanilang venue. Ito ay kung walang pagtutol mula sa LGU na nakakasakop sa lugar na kanilang pagdadausan ng pagtitipon.

Maaari rin namang dagdagan ng LGU ang pinapayagang kapasidad ng venue hanggang sa limampung porsyento (50%). Dapat namang mahigpit na sundin ng simbahan ang kanilang isinumiteng panuntunan at minimum health standard.

Ang mga pagtitipon naman para sa neurological service, lamay at, libing para sa mga namatay nang hindi dahil sa COVID-19 ay pinapayagan, sa kondisyong tanging pangunahing miyembro ng pamilya lamang ng namatay ang dadalo dito at susunod sila sa ibinigay na minimum health standard.

10. Ang iba pang panuntunan sa pagpapatupad ng Community Quarantine na hindi apektado ng mga naunang nabanggit na panuntunan ay mananatiling epektibo sa NCR Plus kabilang na ang interzonal travel papunta at palabas ng NCR Plus maging ang operasyon ng pampublikong transportasyon.

 554 Total Views

Related: