MENU
Philippine Standard Time:
Municipal Social Pension 2nd Batch payout provided financial support to senior citizens in Los Baños (November 14, 2025)
Published date: Nov 17, 2025
Municipal Social Pension 2nd Batch payout provided financial support to senior citizens in Los Baños (November 14, 2025)

Ginanap ang Municipal Social Pension 2nd Batch Payout ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa iba’t ibang barangay nitong Nobyembre 14, 2025 (Biyernes) para sa mga benepisyaryong edad 61–70 taong gulang na na-interview noong Pebrero 2025.

Naging mabilis at maayos ang distribusyon ng pensyon upang matulungan ang ating mga nakatatanda sa kanilang mga pangunahing pangangailangan, sa pagkakaisa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), Municipal Treasury Office (MTO), at mga barangay.

Muling pinatunayan ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ang pangako nitong uunahin ang kapakanan ng senior citizens, isang serbisyo publikong nagtataguyod ng dignidad, kalinga, at pantay na pag-unlad para sa lahat.

#MunicipalSocialPension

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 465 Total Views

Related:


;