LBSCFI Orientation Seminar fostered stronger collaboration among partner institutions in Los Baños (November 14, 2025)
Dumalo si Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa ginanap na Orientation Seminar and Luncheon Meeting ng Los Baños Science Community Foundation, Inc. (LBSCFI) New Heads of Agencies nitong Nobyembre 14, 2025 (Biyernes) sa SEARCA. Ang pagtitipong ito ay pinangunahan ni Prof. Jose V. Camacho Jr., PhD, Pangulo ng LBSCFI at Chancellor ng UPLB, bilang bahagi ng kanilang layunin na maipakilala at maihanda ang mga bagong pinuno ng kasaping institusyon sa mga programa, adbokasiya, at patakaran ng Foundation.
Tinalakay sa pulong ang mahahalagang usapin kaugnay ng pagpapatibay ng kolaborasyon sa pagitan ng mga ahensiya, pagpapalakas ng community engagement, at pagpapahusay ng mga proyektong nakatuon sa agham, teknolohiya, at pag-unlad ng komunidad ng Los Baños. Ang presensya ni Mayor Nocon ay nagbigay-diin sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Lokal sa mga inisyatibong nagtataguyod ng inobasyon at pagpapaunlad, kasama ang LBSCFI at iba pang katuwang na institusyon.
#OrientationSeminarAndLuncheonMeeting
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
