MENU
Philippine Standard Time:
Longevity Grant Pension Payout at Los Baños provided financial assistance to senior citizens ages 80–99 (November 14, 2025)
Published date: Nov 17, 2025
Longevity Grant Pension Payout at Los Baños provided financial assistance to senior citizens ages 80–99 (November 14, 2025)

Isinagawa nitong Nobyembre 14, 2025 (Biyernes) ang Longevity Grant Pension Payout sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon. Ang payout na ito ay nakatuon para sa mga pensioner na may edad 80-99 taong gulang.

Sa pangunguna ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) katuwang ang Municipal Treasury Office (MTO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), matagumpay at maayos na naisagawa ang pamamahagi ng pensyon. Sama-sama nilang tiniyak ang mabilis, maayos, at organisadong proseso upang mabigyan ng nararapat na tulong-pinansyal ang ating mga nakatatanda na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at mga pangunahing pangangailangan.

Ipinapakita ng programang ito ang patuloy na malasakit at dedikasyon ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa kapakanan ng senior citizens, bilang pagkilala sa kanilang mahahalagang ambag sa lipunan. Sa pagpapatuloy ng ganitong mga inisyatiba, nananatiling tapat ang lokal na Pamahalaan sa pangakong walang maiiwan sa pag-unlad at sa serbisyong tunay na diretso sa tao.

#LongevityGrantPension

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 523 Total Views

Related:


;