Los Baños joined UPLB in promoting active and healthy living in the Elderly Development Program (EDP) Senior Fiesta 2025 (November 14, 2025)
Nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, sa matagumpay na pagdiriwang ng Elderly Development Program (EDP) Senior Fiesta 2025 ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) nitong Nobyembre 14, 2025 (Biyernes) sa Charles Fuller Baker Memorial Hall, sa pangunguna ng College of Human Ecology, Department of Human and Family Development Studies. Ipinakita ng lokal na pamahalaan ang buong suporta nito sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan, dignidad, at patuloy na aktibong pamumuhay ng mga nakatatanda sa komunidad.
Sa temang “Tangan: Embracing Life with Dignity and Purpose”, naitampok sa programa ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan tulad ng blood sugar, blood pressure, foot, bone, eye, at nutrition screening, maging ang group dynamic activities, Tai-Chi demonstration, at health lectures para sa mga nakatatanda.
Nagbigay din ng mensahe si Mayor Nocon, na nagpatibay sa patuloy na ugnayan at pagtutulungan ng UPLB at ng Pamahalaang Bayan sa pagsusulong ng mga makabuluhang inisyatiba para sa senior citizens. Ang programa ay isang makulay na patunay na ang ating mga nakatatanda ay patuloy na nagbibigay-buhay, karunungan, at lakas sa pagbuo ng ating pamayanan na tunay na maalaga at masigla.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
